Oct 2, 2007

FEATURED PICTRUE


FEATURED PICTURE OF THE DAY

Oct 1, 2007

ULIRANG ANAK

I just wanna share this message to you, though its quite simple but it touches hearts specially students or maybe some other people who can relate with the situation.


Mahal kong Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, panagbili na namin nag mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project nayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba jan sa boarding house mo san ba kamu yan. Sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka-gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian nating sa sanglaan. Ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE/MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat
cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal

Itay at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.


CREATED BY: ANONYMOUS